Ang totoo takot ako matulog alone, one of the reason why is because of this SP or Sleep Paralysis. Halos karamihan satin naexperience na ganito habang natutulog, isa ako sa madalas na nakakaranas ng ganito mostly pagkahiga ko pa lang sa kama yong tipong pagod na pagod ako tapos bigla ako makakatulog.
Madalas na nakikita ko sa pagtulog ko ay isang anino na kulay dilaw ang mata bilog na bilog, at bigla nalang ako tinatalon sa kama sabay bukas ng mga pakpak nya at tipong kakagatin pa ako. Madalas ayoko na matulog magisa sa kwarto kase natatakot na ako na bigla na naman nya ako dalawin sa pagtulog ko, well sabi nila theres a scientific explaination about this na ang sleep paralysis daw is Demon at work!
Yeah, nakakatakot naman talaga na demon is everywhere lahat ng ginagawa natin palage may mga evil spirits sa paligid, lalo na kung mahina ang faith natin kay God. Im a Catholic-Christian so hati ang paniniwala ko sa mga ganito bagay, pero hindi rin naman natin masasabi minsan kung ano nga ba meron sa mundo ginagalawan natin.
Para malessen yong takot na nararamdaman ko sa pagtulog, naglagay ako ng rosary sa headboard ng kama ko. Simula nong nilagay ko yon hindi na ko dinadalaw ng nakakatakot na image sa pagtulog ko. Isa kana rin naman siguro sa nakakaranas ng ganito scenario sa pagtulog mo, basta ang masasabi ko lang pray before you go to sleep and ask for a wisdom of God para hanggang sa pagtulog binabantayan ka nya.
